Nicole Hyala pinaiyak ang mga netizens sa kanyang rebelasyon patungkol sa anak na na-coma.

Sinong mag-aakala na ang kinagigiliwan nating dj sa radyo na si Nicole Hyala ay may itinatago palang mabigat na problema. Ayon sa kaniyang vlog sa kaniyang YouTube channel ibinahagi niya ang kalagayan ng kaniyang anak.

Si Nicole at ang kaniyang asawa ay humarap sa matinding pagsubok ng magkaroon ng sakit ang kanilang anak na nauwi sa pagka-coma at nanatili pa ito sa PICU sa isang ospital.

Naging emosyonal ang mag-asawa sa pagsasalaysay at sa kabutihang palad at tulong na rin ng Maykapal ibinahagi nila na nagising at unti unti ng nakakarecover ang kanilang anak at kailangan na lamang ng therapies.

Panoorin ang kanilang kwento: