Laking gulat nila nang makita ang laman ng rice cooker matapos mapansin na amoy prito ang sinaing

Importanteng bahagi ng bawat meal sa ating magkaka-pamilya ay ang kanin dahil itinuturing ito na staple food. Dagdag pa dito, ang pagkain ng kanin ay madaling nakakapag-pabusog sa isang tao kaya naman hindi talaga ito mawawala sa hapag sa bawat kainan.

Isa naman sa pinakamabilis na paraan para makapagluto ng kanin ay syempre ang paggamit ng rice cooker. Pero, ang isang netizen na ito ay matagal ng nagtataka kung bakit palaging amoy prito ang kanilang kanin.

No photo description available.

Maka-ilang beses na naman nilang hinugasan at nilinis ang loob ng rice cooker ngunit naroon pa rin ang amoy. Sa kabila nito, hindi naman naapektuhan ang lasa ng kanin.

Ayon pa sa post ni BigD Reyes, dahil na rin sa kanilang curiosity at kagustuhan na malaman kung ano nga ba ang sanhi ng kakaibang amoy ng kanilang kanin, nagpasya na silang buksan ang ibabang bahagi ng kanilang rice cooker.

Dito na nga at nagulat sila sa nilalaman nito. Hindi ito kung ano mang uri ng pritong pagkain kundi mga butiki, maraming butiki!

Nagmistulang prinito ang mga butiki dahil sunog na ang katawan ng mga ito. Nagbiro pa si Reyes na kinain na lang daw nila ang mga butiki dahil daw solid naman ang mga ito.

No photo description available.

Kung paano nakapasok ang mga butiki sa loob ng rice cooker ay nananatili pa ring misteryo para sa karamihan.

Samantala, marami naman ang natawa sa nangyaring ito sa pamilya nina Reyes kaya naman naging viral ang kanyang post. Sino nga ba naman ang mag-aakala na mayroong butiki sa loob ng kanilang rice cooker?