Hinatiran ko lang dati ng order, Asawa ko na ngayon.

Manila – Isa sa patok na trabaho ngayon ay ang online selling at marami sa ating mga netizens na mas pinipiling bumili na lamang online kaysa lumabas ng bahay. Sinong mag-aakala na ang pagbili bili online ay daan para makilala mo ang iyong MR. RIGHT.

Heto ang kwento ni Jhasin May at ni Marlon Cajucom na nagkakilala dahil sa pagdeliver ng parcel

HINAHATIRAN KO LANG DATI NG PARCEL, NGAYON ASAWA KO NA

Isang mala fairy tale ganito inilarawan ni Marlon Cajucom dahil hindi lang pala pirma sa parcel na na-deliver ang makukuha niya kundi maging ang puso ng suki na si Jhasin May Benito ng Asingan, Pangasinan.

“Kahit sa panaginip kako, sabi ko hindi ko naman inexpect na papasinin ako nito [Jhasin]. Actually yun po talagang nasa isip ko na hindi ako papansinin nito sabi ko kasi maganda, mukhang hindi sanay magtrabaho, nagulat din ako na napakabait din niya napakaapproachable naman po madaling lapitan madaling kausapin” kwento ni Marlon.

Delivery rider ng sikat na online shopping portal na LAZADA si Marlon.

Buwan ng Oktobre nang nakaraang taon ng maging regular customer niya si Mrs. Mary Grace Benito ina ni Jhasin May.

“One time nakapagdeliver po ako sa kanila, late na. Nagulat sila, nagtataka sila na late na nagdedeliver pa ako noong time na yun. Natanong ako ni Mama Grace kung may asawa na ako, sabi ko wala pa po. Bakit daw ang sipag sipag ko eh wala pa naman daw ako binubuhay, ang sagot ko po noong time na yun kasama ko po sa pangarap yung magpursige buhay” dagdag ni Marlon.

Dito na nagsimulang ipakilala Mrs. Benito ang anak niyang si Jhasin May kay Marlon.

Makalipas ang limang delivery ng parcel ay unti-unting nagkakilala nang husto ang dalawa, and the rest, sabi nga nila, is history.

“Sa ibang ex ko kasi siya talaga yung mararamdaman mo talagang yung care niya tapos talagang pursigido po siya. Sobrang effort po siya noong nanliligaw siya sa akin kahit sobrang busy siya, nagdedeliver [pa rin] ng flower sa bahay tsaka ramdam mo naman talaga yung love” saad ni Jhasin May Benito.

Kahapon araw ng Martes sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. ay nakasal na ang dalawa.

Romel Aguilar / JC Aying