Mainit na usapin kung responsibilidad nga ba ng anak ang kanilang magulang.

Manila – Sa social media mainit ang topic kung saan tanong tanungan kung responsibilidad nga ba ng anak ang kanilang mga magulang. Kung mayroon nga ba silang utang na loob sa pagpapalaki sa kanila at dapat itong suklian kapag ang mga magulang ay matanda na?

Maaring ibat iba ang kasagutan depende na rin kung saan mo ito titignan at kung ano ang inyong paniniwala bilang tao. Toxic family culture nga ba ito nating mga Pinoy o sadyang mapagmahal lamang tayo sa ating mga magulang?

TOXIC FAMILY CULTURE SA PINAS

Edit: (Anong pangarap ang kayang tuparin ng anak mo sa ipon na 1,000 pesos every month?)

(Again, obligasyon ng magulang na buhayin at pag aralin ang anak. Hindi yun UTANG NA LOOB ng anak nyo.)

Dear Parents,
Wag naman kayong harsh sa mga anak nyo, pinagaral at pinalaki nyo sila dahil obligasyon nyo yun di naman yun utang na loob. Kung magbibigay appreciate them. Pag humindi sana wag nyo masamain. Hindi naman binuo yung anak para maging retirement plan nyo. Dont make them feel like the only solution ay mawala nalang sa mundo sa bigat ng responisibilidad na pinapapasan nyo sa kanila sa murang edad palang. Di ren naman nila choice na buohin nyo sila?

Hindi sila madamot. Napapagod din sila. Kung may bilin man sila sa sarili nila they earned it. They have the right to reward themselves.

 

Walang maling sagot sa ganitong katanungan. Karamihan sa mga netizens ang sagot ay kung paano sila pinalaki ng kanilang magulang. Oo, hindi nila responsibilidad ang kanilang magulang pero dahil sa mahal nila ito ay mas pinipili pa rin nilang tugunan ang pangangailangan ng kanilang magulang kasya pansariling pangangailangan. Hindi ito masama ngunit ika nga ng ilan para sa magulang sana ay isipin din nila na lumalaki na ang kanilang anak at mayroon din itong pansariling pangangailangan na dapat ay unahin.

Maging open sa isa’t-isa ang tugon naman ng ilan, paano malalaman ng magulang na hindi na kaya ng anak ang ilan sa responsibilidad kung hindi naman sila nakakapag-usap. Ganun din sa anak kung sa tingin nila ay hindi na kaya mas piliin ipaunawa sa magulang kung bakit hanggang doon lang ang kayang ibigay.