Couple viral dahil sa kanilang relasyong “Kasama mo ako hanggang dulo.”

Sa panahon ngayon kung saan tila madali na sa mga kabataan o pati na rin sa mga matatanda ang bitiwan ang kanilang sumpaan na magmamahalan hanggang dulo, may isang relasyon na talaga namang hinanggaan ng mga netizens sa social media kung saan ang magkasintahan ay magkasama mula simula hanggang sa pag-unlad.

Sa post ni KathRyee kung saan ibinahagi niya ang kwento ng kanilang pag-iibigan ng kasintahan. Nag-simula sila noong nag-aaral pa lang kung saan sila ay mag-classmate hanggang sa maka-graduate sila.

Suportado rin sa pagyou-YouTube ang kasintahan ni Kitkat hanggang sa unti unti na nilang natutupad ang kanilang pangarap na magkasama. Mula sa simpleng makakain sa samgyup to first travel abroad hanggang sa makapgpundar na sila ng bahay dahil sa kanilang naitayong negosyo.

Ngayon nga ay 6 na taon na silang magkasama at talaga namang makikita na malayo pa ang kanilang mararating dahil hindi tulad sa kalimitan natin nababasa sa social media kung saan maraming relasyon ang nasisira dahil sa pera, ang relasyon nila KathRyee ay masasabi nating dalawa silang naghihilaan pataas patungo sa kanilang pangarap.

Sa ngayon ang kanilang post sa kanilang personal account sa Facebook ay may 57k likes, 7.1k comments at 86k shares sa kasalukuyan.

Ano pong masasabi niyo sa kanilang kwento? Mag-iwan lamang po ng inyong komento o kung may kwento kayong nais ma-feature.