Mj Lastimosa may banat kay Miss Universe Rabiya Mateo sa kaniyang post.

Matapos ang Miss Universe Pageant kung saan pasok ang ating pambato sa Top21 na si Rabiya Mateo hindi pa rin matapos tapos ang pagtreanding ng kaniyang pangalan sa apat na sulok ng social media.

Gaya ng mga naunang kandidata kung saan kadikit na ng kanilang pangalan ang kanilang karelasyon, hindi rin nakaligtas sa mata ng mga netizens ang noong ay boyfriend ni Rabiya na si Neil Salvacion.

Naging supportive boyfriend si Neil habang tinatahak ni Rabiya ang kaniyang pangarap ngunit kamakailan ay naging maingay ang balitang hiwalay na ang magkasintahan.

Sa una ay tahimik ang dalawa sa kung ano talaga ang estado ng kanilang relasyon ngunit hindi na napigilan pa ni Neil Salvacion ang hindi magsalita, aniya

“The real thing is, we’re not together anymore, but we’re both okay, moving forward, we talked and we’re both happy with our own lives,”

Matapos ngang tuldukan ang haka-haka may banat naman na komento si Mj Lastimosa kay Rabiya Mateo sa kaniyang post sa social media. Aliw na aliw ang mga netizens sa komentong ito ni MJ sa di umano’y broken hearted na beauty queen.

Matatandaan kasabay ng pag-ingay ng Miss Universe isa si MJ Lastimosa ang inabangan ng mga netizens sa social media dahil sa kaniyang mga nakakaaliw na post patungkol sa Miss.U Pageant.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon sa comment section sa ibaba.