Video ni Aj Raval na naglilinis ng kanyang kwarto, umabot ng 5.6 million views.

Si Aj Raval ay anak ng beteranong aktor na si Jeric Raval at ngayon ay gumagawa na ng sariling pangalan at hindi lang basta anak ng isang artista.

Pinasok din ni AJ Raval ang pag-aartista at masasabing isa siya ngayon sa maiingay ang pangalan mapasa industriya ng showbiz at sa socila media. Ang 20-anyos na aktres ay unang nasilayan at nakilala noon siya ay lumabas sa It’s Showtime kung saan isa siyang kalahok sa Kapare-who at nagsunod sunod na nga ang proyekto ng magandang aktres.

Dahil nga aktibo sa kanyang social media ang batang aktres minabuti na rin niyang pasukin ang mundo ng vlogging kung saan pwede niyang ipakita at mas makilala pa siya ng kaniyang fans sa kaniyang mga nilalabas na pang araw araw na gawain na mga video.

Isa sa mga vlog niya na kinagiliwan ng kaniyang mga fans ay ang kaniyang latest upload kung saan ay naglinis siya ng kaniyang kwarto.

Sa kasalukuyan ang kaniyang video ay may 5.6 million views at patuloy na tinatangkilik ng mga netizens

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon sa comment section sa ibaba.