10-anyos na batang nag-aararo at nagsasaka, inulan ng biyaya. Nanay binalikan ang matapos itong magviral.

Marami ang napaluha at naiyak sa kwento ni Reymark Mariano na 10-anyos pa lamang pero nag-aararo at nagsasaka na katulong ng kanyang lolo.

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho unang napanood si Reymark kung saan kanyang ikinuwento ang kanyang buhay at kung bakit sa murang edad ay imbes maglaro e pagsasaka ang kaniyang ginagawa.

Aniya sa paulit ulit na kakapanood, natuto na rin siya nhanggang sa sumapit ang edad niyang pito at sinubukan na rin niya ang pagsasaka.

Sa tulong ng kanilang kabayo na si “Rabanos” inarao ni Reymark ang kanilang sakahan ng labanos.

Dagdag pa niya hindi na raw kasi ito kaya ng kanyang lolo na bukod sa may edad na at nanghihina, may kalabuan na rin umano ang paningin nito.

Matapos maiere ang kanyang kwento sa KMJS maraming netizens ang nagtulong tulong para sa munting tulong, pati ang grupo ng mga OFW kung saan nagpadala ng malaking halaga para kay Reymark.

Sunod sunod ang biyaya sa batang si Reymark at ang hindi niya inaasahang biyaya ay ang pagpapakita ng kaniyang ina, na matagal na siyang iniwan sa mga lolo at lola niya.

Masayang masaya ang bata sa pagbabalik ng kaniyang ina ngunit umani ito ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizens.

Pero kahit ano pa man ang kaligayahan ng bata ang mas importante sa mga pangyayari.