Hypebits hinahanap ang nagviral na tatay na binilihan ang kanyang anak ng sapatos.

Nag-viral ang post ng isang ama na binibilhan ng sapatos ang kanyang anak. Maraming netizens ang naiyak at humanga sa tatay na ilan taong nag-ipon para mabilhan ang kanyang anak ng bagong sapatos.

Ang post sa ngayon ay may 21k shares at patuloy pa rin ang pagtaas dahil na rin sa ibang netizens na hinahanap ang pagkakakilanlan ng mag-ama dahil na rin sa nais nila itong tulungan.

Ilan sa nag share ang netizen na si Lim Shiwen, kung saan nais niyang bigyan ng sapatos at savings ang mag-ama.

Meron naman sa comment section ang naghahanap rin kung taga-saan sila. At hindi rin nakaligtas sa mga netizens ang kumento ng isa sa sikat na gamer ngayon sa Facebook na si Hypebit$ kung saan ay nais niya ring tulungan ang mag-ama.

Masasabi natin na marami talagang magandang naidudulot sa atin ang social media at isa na rito ang pagtutulungan ng mga netizens kahit pa hindi sila magkakakilala.

Si Hypebit$ ay isang sikat na gaming personality sa Facebook, mas umingay ang kanyang pangalan sa MLBB at ngayon nga hanggat may pagkakataon makatulong sa kapwa ay talagang kanyang ginagawa para ibalik ang suporta ng kanyang mga fans na hindi nagsasawa sa pagsuporta sa kanya.