Netizens naantig sa isang ama na ilang taon nag-ipon para sa sapatos ng anak.

Walang hindi kayang gawin ang isang magulang para sa kaniyang anak. Yan ay pinatunayan ng isang tatay sa viral post sa social media nitong nakaraang araw lamang.

Makikita sa larawan ang mag-ama kung saan bumibili sila ng sapatos para sa kanyang anak. Si tatay ay may edad na rin para magtrabaho pero ayon sa post ay pinag-ipunan talaga ito ni tatay para sa kanyang anak.

Ayon sa page na Baretang Rinconada

Guys! Pasikatin natin itong si tatay, binili nya ng sapatos yung anak nya na ilang taon nyang pinag ipunan sa alkansya, habang binibilang nya yung mga barya sa counter bakas sa mukha ni tatay ang saya at ngiti dahil nabili nya yung pinaka inaasam ng kanyang anak na sapatos.

Hanggat nabubuhay daw sya ay gagawin nya lahat para mapasaya ang kanyang mga anak at itataguyod sa marangal na paraan.

Wow! dakila ka tatay, saludo kami sa’yo nawa’y marami pang blessings ang dumating sa buhay nyo..

Sa ngayon ang post ay may 33k likes 1.4k comments at 21k shares. Maraming netizens ang naghahanap kung tagasaan si tatay para matulungan ang mag-ama.

May idea po ba kayo kung taga saan si Tatay? Message niyo po ako. I’m willing to help the family of tatay. Thank you! 🤗

Salute po sa mga tatay na kayang gawin lahat para sa kanilang anak at sa mga anak na kasama pa nila tatay nila, ang swerte nyo sana pahalagahan niyo pa lalo ang inyong tatay dahil hindi lahat ng anak nakakasama nila ang kanilang tatay😔

Naiyak ako sana lahat ganyan ang tatay, napaka swerte ng anak mo tay

Pawis at chaga and binuhos ni tatay para makabili ng sapatos ng kanyang anak

Iyan ang iilan lang sa mga kumento ng paghangga sa pagamahal ng isang ama sa kanyang anak.