Jeric Raval mayroong 18 na anak, ayon sa kanyang legal na asawa.

Manila – Bago pa man pumasok sa showbusinezz si Jeric Raval kasal na di umano ito kay Holiday Buensucero na isinekreto sa publiko.
Ayon sa Philstar, si Jeric ay may 18 na anak at 10 apo. Karamihan sa kanyang mga babae ay non-showbiz

Ayon kay Holiday Buensucero, legal na asawa ni Jeric Raval mayroong 18 na anak si Jeric at apat lamang dito ay kay Holiday gayon pa man nanatiling nasa tabi ni Jeric ang asawa na talagang hinangaan ng mga netizens matapos malaman ang panig ni Holiday sa isang portion sa Eat Bulaga’s Bawal Judgemental.

Maliban sa apat na anak ni Jeric Raval kay Holiday matatandaan na ilan sa anak ni Jeric ay nagvi-viral na rin sa social media, si Vanessa Raval at ang isa ay si Aj Raval na ngayon ay viral sa kanyang mga tiktok at dahil sa kanyang pelikulang “Paglaki ko Gusto Kong Maging #Pornstar”. Nagkaroon sya ng isang press conference sa naturang pelikula kung saan naikwento nya ang ilang bagay tungkol sa kanyang ama. Tila hindi pabor si Jeric sa naging desisyon ng kanyang anak na magkaroon ng “sexy at daring” roles.

Sagot naman ni AJ, sinuway nya ang kagustuhan ng kanyang ama dahil siya ang matanda na upang gumawa ng kanyang desisyon.

Matapos naman na isapubliko ang naging sitwasyon noon ng mag-asawa hindi rin naman nila maiwasan ang may pumuna na hindi rin pinalampas ni Aj Raval na hindi magkumento.

Ayon sa kanyang post sa Facebook

Nanay ko yan, pinalaki inalagaan minahal at pinag aral ako nyan kahit iba nanay ko. Napakabait na tao. Kaya sya pinakasalan ng tatay ko dahil matalino maganda matyaga mabait at higit sa lahat mahal na mahal nya pamilya nya. 🥰❤️

may mga sumilip sa situation namin, kesho may anak daw sa labas. tanga walang ganon. pag kapatid mo kapatid mo! Kami nga masaya e kayo masaya ba? puro kadramahan ang alam nyo sa buhay. tsaka matagal na panahon yon. napatawad na nila isat isa.

Si Jeric Raval ay isang sikat na action star noong 90s. Noong sya ay pumasok sa industriya, sya ay kasal sa kanyang asawa na si Holiday. Ngunit ito ay naging isang sikreto dahil siya ay isang tanyag na aktor. Mayroon syang apat na anak kay Holiday.. at 14 pang iba sa iba’t ibang babae.