Isang Security guard ibinigay ang baon para sa isang senior citizen na gutom na gutom sa pila.

Umani ng samot saring reaksyon sa social media ang isang litrato ng isang security guard ng Philippine Statistics Authority Region 7 (PSA-7) na ibinigay ang kanyang baon sa isang matandang lalaki na naghihintay sa kaniyang numero.

Sa post ng isang netizen na si Jennyfe Gabule Ybañez, sabi niya na nakita niya ang security guard na ibinigay ang kanyang baon sa isang senior citizen, kung saan maaga pa lamang ay nakapila na ito para sa pagkuha ng dokumento.

Dahil sa tagal itong nakapila, nakaranas ito ng matinding gutom kaya ito binigyang ng pagkain.

Sa orihinal na post ng netizen na si Jennyfe:

Gwardiya sa PSA iyang balon gihatag sa senior citizen na wla pay pamahaw ky gi gutom n daw cya hinulat s no.
Salodo ako sayo sir..😊

“Gwardiya sa PSA, ibinigay ang kanyang baon sa isang senior citizen na wala pang agahan at gutom na gutom na sa paghihintay ng kanyang numero.

Maraming netizens ang nagshare ng post na ngayon ay may 9.6kshares at marami rin ang nais matulungan si kuyang sekyu at nais na mafeature sa KMJS dahil sa kanyang ginintuang puso.

Jennyfe Gabule Ybañez