Lalakeng nakapagpatayo na ng sariling bahay naghahanap ngayon ng “Ilaw ng tahanan”

Tuwang tuwa ang mga netizens sa post ng isang lalake na ipini-flex ang kaniyang naipundar, aniya maliit man pero kahit papaano ay matatawag na kaniya at ito ay para sa kaniyanv tatlong anak.

Bukod sa nakakahanggang tagumpay niya sa kaniyang simpleng pangarap na natupad naaliw di ang mga netizens sa kanilang paghahanap ng isang “ilaw ng tahanan” o isang tatayong “ina” para sa kaniyang tatlong anak.

Ang viral na lalake ay nagngangalang Don Dizon at ayon sa kaniyang post

“Finally, we’re moving in! Thankful and grateful for this little space to call ‘our very own.’ Yahoo sa wakas! Tagal kong hinintay ‘to! Hindi man kalakihan katulad ng iba pero sabi nga nila lahat naman nag-uumpisa sa maliit,”

“Pangarap para sa aking mga anak na magkaroon kami ng sariling bahay. At sila ang aking munting inspirasyon para mabuo ang bahay na ito. All praises go to God because he is the greatest!”

Kasunod ng pasasalamat sa Maykapal ay ang kaniyang paghahanap ng “ilaw ng tahanan” at inilatag ang mga benefits na matatanggap nito.

“Wanted: Ilaw ng tahanan, para lumiwanag na ang aking buhay at ang aming bahay. Budget monthly 15,000 pesos starting. Benefits—SSS, PhilHealth at life insurance. May extra 5,000 pesos GCash pang online shopping kapag lagi malinis ang bahay. Kaya huwag puro heart, wave-wave din mga mars! Char lang mars, apply na!”

Marami namang netizens at karamihan ay kababaihan ang nakisakay sa kaniyang paghahanap at nag-iwan ng mga komento sa kaniyang post.

Congratulations Don 🎉🎊 mga mars magapply na kayo bilang ilaw ng tahanan 😂 para di na sadboy si don 🤣

Hanap ka na ng Ilaw ng tahanan Don🤣😂
O kaya mas masanting emergency bulb o solar light namu neh..😂🤣😁

Nag hahanap din Po ako ng pader ng tahanan namin, sign ako ang Ilaw Ikaw ang pader ko jokes Lang Po. Congratulations 🥳

Kyah kyah! Magaapply din po ako…marami po ako reserbang ilaw sa bahay namin po…