John Lloyd Cruz took social media by storm.

May 16, 2021 – Usap usapan si John Lloyd Cruz ngayon sa apat na sulok ng social media matapos ipost ng Crown Artist Management ang kanyang mga photoshoot kung saan ay kitang kita ang magandang pangangatawan at mas maaliwalas na aura.

Talaga nga naman na-miss ng mga netizens si Popoy dahil sa isang upload sa official Facebook page ni JL ay humakot ito ng 61k shares.

Sa pag-upload ng Crown Artist ay natuldukan ang haka haka kung sino ang makakasama sa agency ng dating Star Magic artist na si Maja Salvador.

Marami ang nag-iwan ng mensahe at pagsuporta kay JL para sa kanyang pagbabalik showbiz.

Matatandaan na nilisan ni John Lloyd Cruz ang showbiz noong nagkaroon siya ng relasyon sa kapwa artistang si Ellen Adarna kung saan ay nagkaroon sila ng anak na lalake.