Si Myrtle Sarrosa na nga ba ang nagmamay-ari sa puso ni Hypebits?

Viral ngayon sa social media ang nakakakilig na pag-guest ni Myrtle sa stream ni Hypebits nitong nakaraang linggo dahil na rin sa swabeng mga banat na binabato ni Hypebits sa dalaga.

Sa ngayon ay nasa halos 1M views in total ang mga video clips kung saan mapapanood ang mga banat ni Hypebits at game na game naman makipagbatuhan ng pickup line si Myrtle.

Nasundan pa ito nang magDUO ang dalawa:

Paano nga ba ito nagsimula? Kung matatandaan noon bumisita si Hypebits sa live ni Myrtle noong May 9 at nais ng dalaga na magpaturo ng mga galawan sa sikat na online game ngayon na Mobile Legends, kung saan bihasa si Hypebits.

“Nung bumisita ako sa live ni Myrtle gusto niya daw mag-guest sa stream ko at magpaturo ng ML saken”

“Tapos sobrang kakilig ng banat niya saken. Tinanong ko lovelife niya, single daw siya”

Matapos nun ay naglaro sila ng dalawang games at nagpalitan ng mga swabeng banat kung saang kilig na kilig ang mga ka-brip (tawag sa mga fans ni Hypebits)

Maraming netizens ang nagsabing bagay at may chemistry ang dalawa kaya naman hindi maiwasang ng mga netizens ang umasa na baka si Myrtle at Hypebits talaga ang tinadhana.

haha galingan muna idol Hypebit$ sana mapasagot mo

Sana all haha. Baka yan na lods yung hinihintay mo

Bat parang nanginginig yung idol hybits ko jan hahah๐Ÿ˜๐Ÿ˜ bagay kayo idol subra

Sana all idol jowain moyan bagay kayong dalawa promise๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜

Grabe ka naman idol Hypebit$ anlakas nang fighting spirit mo,
Banat ng banat

Matapos ang mga balitang hiwalayan ng mga sikat na personidad sa social media pati na rin sa larangan ng esport masasabi na nga ba natin na sila na ba ang bagong loveteam na magpapakilig sa mga netizens?

Abangan..