LOOK: Hypebit$ usap-usapan sa kanyang balik alindog transformation.

Manila – Sa larangan ng Mobile Legends wala atang hindi nakakakilala kay Bitoy Ferrer o mas kilala sa tawag na Hypebit$ dahil sa galing nito sa paglalaro ng naturang sikat na online game patunay na ang halos 3M followers ng kanyang official Facebook gaming page.

Sa kaniyang May 8, 2021 na update sa kanyang official page ginulat niya ang mga netizens sa kanyang transformation.

“Kaya ako nagdecide magpapayat kase nung nagkita kami ni Eruption ang taba ko daw need ko na maggym. Sakto naman yung isang friend ko na streamee na si coach Chuck meron siyang gyn kaya inaya ako.” Pahayag ni Hypebit$ sa FilTimes

“March ako nagstart maggym bale 92kgs. ako bago mag gym. Ngayon nasa 76kgs na lang” Dagdag pa niya.

Maraming ML fans ang natuwa at nag-iwan ng positibong komento sa mas magandang pangangatawan ng sikat na streamer, isa na dito si Eruption.

Matatandaan noong nakalipas na Agosto 2020 ay nagpositibo, lumaban at nanalo si Hypebit$ sa corona virus na hanggang sa kasalukuyan ay dinaranas ng bansa.