Megastar Sharon Cuneta nagpaalam sa kanyang pamilya sa isang madamdaming post sa kanyang social media account.

Manila – Hindi inaasahan ng mga fans at mga netizens ang biglaang pagpapaalam ng Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang pamilya. Sa kaniyang Instagram account ay nagpost si Mega ng litrato ng kaniyang passport at tila siya ay nasa airport na may caption na:

I’m going home. Of course, my real home, where my heart is, is where my husband and children are. But tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents. I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys. Please pray for me, @mariano.peachy and @annadasig . God bless you always!

Kasunod nito ay ang maemosyonal na pagsasama nilang pamilya para sa kanyang pagpapaalam bago umalis.

Hindi na inilahad ni Mega ang buong detalye ng kanyang pag-alis at kung saan siya pupunta. Inulan naman ng mga komento ang kanyang post ng pagsuporta sa kung ano man ang kaniyang tatahakin.

Hindi pa rin makapaniwala ang ibang netizens sa pag-alis ni Mega gayong regular nila itong napapanood sa kaniyang weekends show kung saan nga ay nag-viral pa ang kanyang mas magandang pangangatawan.