“Genie Nga” Christine Samson finally found her happiness.

Natatandaan niyo pa ba si “Genie Nga” na talagang inabangan noon sa It’s Showtime? Maraming madlang pipol pati na rin mga netizens sa social media ang nahumaling sa angking ganda ni Christine Samson. Hindi lang basta maganda si Christine isa rin siyang gamer, ang kanyang official Facebook page ay may higit 1m followers at ngayon nga ay aktibo sa Tiktok na may 2.8m followers.

At ngayon nga ay ginulat ni Christine ang kanyang mga followers sa kanyang announcement.

and suddenly, it all made sense with you.

Ipinakilala ngayon ni Christine kung sino ang kanyang boyfriend.

Si Justine Vasquez ay isang sikat na musikero dito sa bansa. Una siyang nakita sa X Factor Australia at ngayon nga ay gumagawa ng kanyang sariling pangalan dito sa ating bansa.