“Dun tayo sa jowa na hindi ikakahiya na mataba tayo” Sana all na lang talaga!

Manila – Viral ngayon ang appreciation post ng isang netizen para sa kanyang boyfriend.

Si Diane Barcala Salvador ay nagpost ng kanyang appreciation post para sa kanyang boyfriend ng 7 taon. Aniya sa loob ng pitong taong pagsasama never na ipinaramdam ng kanyang boyfriend na si Ace Guzman Cruz na mataba siya.

DUN TAYO SA JOWA NA HINDI IKAKAHIYA NA MATABA TAYO AT LAGING SASABIHING MAGANDA TAYO. 💯

For almost 7 years na kasama ko sya, never nya pina-feel na majubis ako. He always says “Love, ang sexy mo naman ha!” “Love, ang ganda mo naman ha!” Imagine almost 7 years with him, hindi sya nagsasawang sabihan ako nyan, lagi niya parin binabanggit yung ganyan. ❤️😂 Haba ng hair mo daiii? HAHAHAHAHA.

Dagdag pa niya ang mga small gestures ng kanyang boyfriend mula paghawak ng kamay sa pampublikong lugar hanggang sa pagsasabi sa kanya na mahal siya nito at proud siya kay Diane.

And yung mga gestures na paghawak sa kamay ko in public and paghawak sa waist ko when in public. Ang sweeeet! 🥺 And bukod sa lahat he never fails na alagaan ako at mahalin ako. At isa pa ang pagsasabi nya ng “Love, proud ako sayo.” THE BEST! HE MAY NOT BE PERFECT BUT I LOVE HIM, I LOVE ALL HIS IMPERFECTIONS.

Wala lang. Ang clingy ba? Ngayon nalang ulit ako nag-post ng ganito. Appreciation post for him. Dahil walang sawa nya pinaparamdam na mahal nya ako. HAHAHAHAHAHAHA basta. Love ü a latte, bübü!! 😍

Mapapasabi na nga lang tayo na SANA ALL dahil sa panahon ngayon bihira na lang ang relasyong nagtatagal at maswerte ang mga taong nakakahanap ng kabiyak na ipaparamdam na never kang nagkulang o may kulang sa iyo.

Umani rin ang post ni Diane ng mga positibong komento para sa magkasintahan.