Zeinab Harake hindi na raw sigurado kung makakagawa pa ng kanyang vlog.

Manila – Nitong nakaraang linggo ay ginulat tayo sa magandang balita na nanganak na ang isa sa mga sikat na vlogger ng bansa na si Zeinab Harake sa kanyang partner na si Skusta Clee.

Sa kabila ng magandang balitang paglabas ni Baby Bia emosyonal namang inilahad naman ni Zeinab ang kanyang kinakaharap matapos ang panganganak. Aniya madalas niyang nakikita ang sarili niyang umiiyak na lamang at siya ay mayroong postpartum depression ngunit laking pasalamat pa rin niya sa Panginoon dahil binigyan siya ng malusog na anak.

Dinagdag pa niya na hindi rin daw siya sigurado kung makakagawa pa siya ng mga videos dahil sa pinagdaraanan at kailangan niyang pa maging maayos dahil kahit ang paglakad ay napapagod siya.

“Hindi ko man masabi na makakagawa pa ako ng videos. Ito, dahil kailangan kong magpagaling. Hirap nga. Ang hirap kahit paglalakad ko, hindi ko kaya. Tumawa nga hindi ko kaya. Kasi ang sakit nu’ng tahi ko. Alam naman siguro ng mga CS moms ‘yan. So mahirap talaga siya. Ilalaban ko and lalaban ako kasi meron akong happy pill Baby Bia”

Heto ang kabuoang video niya: