Isang batang babae ang kinagiliwan ng mga netizens matapos magbigay ng malunggay sa isang community pantry.

Dahil usong uso ang community pantry sa ngayon dahil na rin sa pandemya marami ang mga magagandang bayanihan ang nasaksihan ng ating mga kababayan dahil na rin sa social media.

Ngayon naman isang batang babae ang kinagiliwan ng mga netizens sa Twitter matapos siyang humingi ng isang biskwit sa isang community pantry. Matapos mabigyan ng biskwit at magpasalamat hindi inakala ng uploader na babalik muli ang batang babae para magbigay naman ng malunggay sa pantry.

Ayon sa Twitter thread:

1 week na po ang aming munting Community Pantry! Sa lahat ng tumulong na mapanatiling bukas ang pantry, maraming maraming salamat po!!!

Second day ng aming maliit na community pantry, this little girl passed by and asked for a biscuit. Binigyan naman namin siya, she said thank you, and left. After a couple of minutes, bumalik siya, tumatakbo, excited, nakangiti. May dala-dala na siyang malunggay!

Hindi rin daw isang beses lang nag-abot ang batang babae ng malunggay, may iba pa daw itong inabot na gulay.

Sabi niya bigay niya na daw yon kasi marami sa bahay nila. Also bumalik pa siya ng ilang beses, nag donate pa siya ng mga patola at kamote galing sa garden sa lola niya.

Bumalik po si Aya kanina. Tinanong niya kami kung pwede pa daw siya magbigay ng malunggay. Natuwa kami at sinabi naming syempre naman. Pinakita ko rin sa kanya yung mga sinabi niyo dito sa twitter. Napangiti at napasaya niyo po si Aya!! Salamat po!!!!

Maraming netizens ang natuwa sa batang babae dahil na rin sa murang edad ay marunong na siyang magpahalaga at magbigay kung ano ang meron sila.