Mga bagay na madalas mabalewala pero para sa isang ina ay sobrang sarap na ito sa pakiramdam.

Sabi nga nila isa sa pinakamahirap na trabaho ay ang pagiging isang ina. Hindi ito nagsisimula ng 8:00am at natatapos ng 5:00pm kundi nagsisimula ito sa oras na dumilat ka at magtatapos naman kapag natulog na.

Maswerte ang mga mister at mga anak kung mayroon silang ina/asawa na talagang maalaga at tutok sa pamilya. Ika nga hindi sukatan na nagluwal ka ng bata sa mundo para matawag na ina, nanay, mommy o mama kundi nasa kung paano mo sila alagaan. Wala ring sweldo ang pagiging ina, ngiti at appreciation lang ng kanilang asawa sapat na pampawi sa maghapong pagod at mga gabing wala silang tulog.

Marami ang relate sa post ng Mommy Diaries PH kung saan makikita ang mga small wins ng isang ina.

Sobrang aliw ang mga netizens, lalo na ang mga nanay dahil relate na relate sila at ngayon nga ay nasa 20k shares na ito. Makikita rin sa comment ang iba pang winning moments ng isang ina.

and nag cr ng walang audience.. 😅😅😅

Napaliguan at nabihisan si baby ng hindi kame nagre-wrestling 🤣🤣🤣

Nakatapos ka ng isang episode ng Kdrama ng walang istorbo! ✊🏻

Nakaluto at nakalinis Ng bahay nang walang makulit s tabi ko.

Ngayong nalalapit na Mother’s day ipakita natin ang pagmamahal natin sa ating ina, hindi lang sa pagpopost sa social media kundi sa personal din. Sabihin natin na mahal natin sila at naappreciate natin ang kanilang hirap sa pagpapalaki at pagtataguyod ng pamilya.

source