Pwede pala ‘yun? Netizen iniwan sa labas ng gate ang bayad sa delivery rider.

Sa panahon ngayon sabi nga ng ilan TANGHALI NA LANG ANG TAPAT ngunit pinatunayan ng mga kapitbahay ng isang netizen na may mabubuti at tapat pa rin kahit na gipit dahilan sa pandemya matapos niyang iwan sa labas ng gate ang perang pambayad sa delivery rider na maghahatid ng kanyang order sa araw kung saan may biglaang lakad ito.

Ayon sa panayam sa PhilStar:

Isang online shopper ang nag-iwan ng kaniyang payment na nakasabit sa gate ng kaniyang bahay para sa kaniyang inorder online.

Dahil mayroon siyang lakad sa araw na nakatakda itong i-deliver, napagdesisyunan ni Noe Prisco ng Lipa City, Batangas na isabit na lamang ang pambayad kasama ang isang note para sa delivery rider ng kaniyang order.

Wala kasing pwedeng habilinan ng kaniyang pambayad kung kaya’t ito ang naisip niyang paraan para makabayad, kung saan bukod sa note sa delivery rider ay nagbigay rin umano ng babala sa mga magtatangka na kuhanin ang nakasabit na pera.

“For Kuya Shopee! Kung hindi ka si Shopee, ‘wag mo po kukunin. Nakikita ka ni Lord,” sabi sa sulat.

Maraming netizens ang naka-relate sa nasabing kwento ni Prisco lalo ngayong panahon ng pandemiya.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 7, 000 likes at reactions ang kaniyang litrato at mayroon namang 5, 000 shares sa Facebook.

“Biglaan po talaga na may lakad ako that time. Pero ‘yun may delivery po ako sa Shopee, so iniwan ko na lang po ‘yung bayad sa gate namin kasi wala din po ako mapag-iwanan,” pagbabahagi niya.

Nakuha ng delivery rider ang kaniyang pambayad, gayundin ang kaniyang inorder sa naturang online shop.

“Tawang-tawa siya buti daw hindi kinuha ‘yung pera. Nando’n pa din and kompleto naman,” wika ni Prisco.

Napapasana all naman ang ibang delivery rider dahil sa matagumpay na pag-iiwan ng pera at hindi na pinapagpapabalikbalik pa amg rider.

Dahil sa pandemya maraming ugali ng ating kababayan ang nasasaksihan dahil sa tulong ng social media. Tulad ng ibang mga kababayan na kahit kapos ay minarapat na magbahagi pa rin ng konting tulong para sa kapwa. Ang pagtutulungan ng ilan para maiahon ang mamamayan sa gutom at ang pagpapalaganap ng magagandang gawain para na rin sa mga netizens na napanghihinaan ng loob ma sa social media na rin kumukuha ng lakas.

Source: Philippine Star