Isang tatay ang naulanan sa kalagitnaan nang pamimigay ng ayuda.

Bukidnon – Isang tatay ang nagbakasaking makakuha ng Php1,000 ayuda ang hindi umalis sa pila kahit na bumuhos ang ulan.

Nasaksihan ni Peter June Madjus si tatay na nauulanan habang naghihintay na makatanggap ng Php1,000 ngunit sa di inaasahan hindi rin umabot si tatay para makakuha.

Agad siyang nanawagan sa pamamagitan ng kanyang personal account sa Facebook para matulungan si tatay. Dahil nga sa nagviral ang kanyang post may nakakita nito at agad na nahanap si tatay. Isang grupo ng magkakaibigan ang nakita si tatay sa terminal ng Malaybalay. Napag-alaman na hindi muna uuwi si tatay dahil hindi pa niya nakukuha ang 1,000 ayuda at planong matulog na lamang sa terminal.

May mabuting loob na netizen ang nag-offer na sa isang lodge na si tatay magpalipas ng gabi. At habang abala ang ilan para tulungan si tatay sa matutulugan ay inulan naman ng nais tumulong kay tatay sa pamamagitan ni Peter.

Sa isang gabing pag-uupdate ng nangyayari kay tatay ay nakalikom sila ng Php55,000 na agad naman nilang ibinahagi kay tatay pambili ng mga gamit sa bahay at gayon na rin ang pagkain.

Dahil sa pagmamalasakit ng isang netizen ang isang Php1,000 ayuda ay napalitan ng mas higit pa dahil na rin sa kabutihan ng ating mga kababayan.