Expectation vs. Reality ng isang nauusong hairstyle kinagiliwan sa social media.

Viral ngayon sa social media ang video kung saan pinakita ng lalake ang kanyang bagong tabas na buhok at kung saan niya ito ginaya.

Makikita ang dalawang ukit na magkadikit sa kanang bahagi at kung titignan ay wala naman mali o maganda naman sa mata ang pagkakagawa. Ngunit pagtalikod doon makikita ang ikatlong ukit kung saan malayo sa dalawang nauna at talaga nga naman mapapakamot ka na lang sa ulo.

 

 

Pinakita rin niya kung saan nagbase ang barbero ng style ng gupit at makikita ang malaking pagkakaiba nito.

Hindi naman nagalit ang ginupitan at natatawa pa niya itong vinideo na ngayon nga ay viral sa social media.

Maraming netizens ang naaliw sa video ni kuya na talaga namang nakapagpawi kahit papaano ng lungkot ng karamihan dala ng pandemya.