Batang nagbigay ng kamote sa community pantry bibigyan ng full scholarship.

Isang bata sa Occidental Mindoro ang hinangaan ng mga netizens at ngayon nga ay viral sa social media dahil sa kanyang natatanging malakasakit sa mga kababayan matapos magbigay ng kalahating sakong kamote sa kanilang community pantry.

Ayon sa isa sa mga organizers ng kanilang pantry na si John Christoper Lara ng Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan, nagulat sila nang biglang lumapit si Don Don Sinagmayon, siyam na taong gulang dala dala ang kanyang kalahating sako ng kamote.

Kwentong Occidental Mindoro Community pantry

Ito si Cornelo, 9 yrs. old, kapatid natin mula sa komunidad ng mga Indigenous People dito sa Sitio Siapo, Brgy. Pinagturilan, Occidental Mindoro.

Ilang sandali matapos i-anunsyo ng Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan ang aming isinasagawang community pantry at sabihin na maaari silang magbigay ng mga pagkain para makatulong sa iba, lumapit siya sa amin at inabot ang halos kalahating sako ng kamote. Bigay raw ito ng kanilang pamilya.

Sa aming tuwa, binigyan na rin namin sila ng ilan sa aming mga dala.

Nakakaantig na kung sino yung inaakala nating pinakanangangailangan ay sila pa yung may bukas na puso para magbigay ng tulong.

Salamat Cornelo sa patuloy na pagbibigay buhay sa espiritu ng bayanihan. Mananatili kayong inspirasyon para sa amin.

Sana rin ay mas dumami pa ang mga magbigay ng tulong lalo na para sa mga kababayan nating Indigenous People. Sobrang nahihirapan at naaapektuhan rin sila sa mga nangyayari ngayon.

Gaya nga nang narinig naming kanta kanina mula sa isa pa nating kapatid na katutubo, ‘Kaming mga Mangyan ay tao rin, may damdamin at pangangailangan,’

Tao sila. Mga mabubuting tao.

Kaya kung kinakaya nilang magbigay sa kanilang mumunting pamamaraan, sana ay tayo rin.

P.S. para sa mga gusto pong tumulong, pwede niyo kaming i-message sa Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan o contakin ang numero naming 09519382851.

#OccidentalMindoroCommunityPantry

Dahil dito naantig ang mga organizers at nangakong bibigyan ng full scholarship mula elementarya hanggang kolehiyo.

Isang napakagandang balita.

I never imagined that this project would be this life-changing kaya thank you so much sa mga nagshare ng kwento ni Ornelo (Hindi pala Cornelo) o Don Don Sinagmayon (totoo niyang pangalan)

Muli namin silang pinuntahan para ipaalam na ang buong Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan executive committee ay nagpledge na ng full scholarship mula elementary hanggang college para sa kanya.

Masaya daw siya at matutupad na ang pangarap niyang maging ‘sir’ o guro.

Nakakatuwa pa dahil muli silang nagbigay ng mga kamote para sa Occidental Mindoro Community Pantry na Ngayon ay On Wheels na. Nalaman namin sa nanay niyang si ate Marialyn na galing daw ito sa kanilang taniman at hinanda daw talaga nila ito para ibigay.

Ayon naman sa kanilang kapitbahay, mabuting bata daw talaga si Don Don at kahit sila ay binibigyan nito ng kamote o mga huli nitong isda galing sa ilog. Siya rin daw ang naaasahan ng nanay niya sa bahay nila habang nagtratrabaho ang kuya at papa niya lalo na noong nagkasakit ito matapos ma-ceasarean.

Sana po ay magbunga pa ng mas maraming biyaya ang mga proyektong katulad ng aming community pantry hindi lang dito kun’di sa buong bansa.

Maraming salamat po sa pamunuan ng Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan para sa pagtulong sa kanya.

At syempre, ang pagkilala at pasasalamat sa iyo, Ornelo. Dahil sa mura mong edad ay naparealize mo sa marami na kayang kaya nilang gumawa ng mabuti para sa kapwa sa munti nilang pamamaraan. Mabuhay ka and I can’t wait na makita kang isa nang ganap na guro sa hinaharap.

Marami pa pong mga nagpapahatid ng tulong at makakaasa po kayong makakarating ito sa kanilang pamilya.

#OccidentalMindoroCommunityPantry