Para sa mga single heto na ang bagay na community pantry para sa inyo.

Usong uso ngayon sa gitna ng pandemya ang bayanihan sa pamamagitan ng community pantry. Nagsimula sa Maginhawa at tinularan ng mga karatid lugar hanggang sa umabot na rin sa probinsya at ibang bansa. Marami ang natuwa sa pagtutulungan ng ating mga kababayan dahil dito natin mapapatunayan na buo pa rin ang ating bayanihan.

Iba ibang gimik para sa mga nais magcommunity pantry, mayroong nagbebenta ng kpop merch para ipangdagdag ang napagbentahan sa bibilhin sa kanilang pantry lahat nais makatulong sa abot ng kanilang makakaya.

 

Ngunit iba naman ang trip ng isang netizen na si Jesse James Joves na talagang aliw sa naisip na community pantry.

JOWA COMMUNITY PANTRY yan ang alok ni James. Hanap mo ba ang mga sumusunod:

– tall, dark and pwede na
– loves the Lord
– no issues
– slightly used

Ano pa ang hinihintay niyo go na sa kanyang pantry!

Heto naman ang tingin ng mga netizens sa pakulo ni kuya:

Pure blooded Pinoy kahit anong hirap ng buhay pandemic still nakakaisip paano makapagpatawa in his own little mind este way 🤭

Parang mas marami talaga yung nangangailangan ng pagkain ngayun kaysa sa Jowa 🤣🤣🤣

Natawa tlga ko s knya slightly used atleast honest!
Love this guy! Comediante.

Hirap naman patawanin ng iba, a lot of us is emotionally drained, exhausted.

Glad someone and other person is still doing their best to make us laugh.

May mga hindi man magandang pangyayari nitong mga nakaraan sa ilang community pantry ay hindi pa rin humihinto ang ating ilang kababayan para sa magandang nasimulan.