“Eco Girls” na nanguha ng labis sa isang community pantry tinulungan ni idol Raffy Tulfo.

Matapos manawagan sa Frontline Pilipinas ang isa sa mga babaeng nagviral dahil sa labis na pagkuha di umano nito sa isang community pantry ngayon ay tutulungan na sila ni Raffy Tulfo.

Ang hinaing ng mga “eco girls” ay ang labis na panghamak na natatanggap nila hindi lamang sa nakapaligid pati na rin sa social media. Hindi na rin nagawang makapagpacheckup ng isa sa nagrereklamo na pitong buwang buntis dahil sa kahihiyan na inabot nito.

Aniya humingi na sila ng tawad sa organizer ng community pantry at nagkapatawaran na sila ngunit ang karamihan sa netizens sa social media ay panay panay pa rin ang bato ng negatibong komento na nakakaapekto na rin sa kanilang pamilya.

Matatandaang nakiusap ang pitong buwan buntis na babae kay Raffy Tulfo na pagharapin sila ng organizer ng community pantry na si Carla Quioque, hindi di umano sila pinapansin nito.

“Nananawagan na rin ho ako kay Raffy Tulfo, baka po pwede niya kaming pag-usapin ni Carla ng personal. Kaming dalawa, para magkaharapan kaming dalawa,” anito.

“Ganun din siya samin, mag-public apologize rin siya samin. Sobra na kaming naaapektuhan lalo na ako.”

Inamin rin niya sa panayam kay sir Raffy na siya nga ang nasa viral photo na may hawak na isang tray na itlog.

Marami sa netizens ang hindi sang-ayon sa pagtulong ni Raffy Tulfo sa mga babae, ngunit ani ni Raffy Tulfo hindi ito maaari dahil nasasaktan na may naaapi na. Kaya ang pakiusap ni Raffy Tulfo na tumigil na ang mga netizens sa masasakit na salita dahil apektado na ang pamilya at kung hindi pa sila titigil ay maaari silang managot sa batas.

Ang Community Pantry ay nagsimula sa Maginhawa Community Pantry at nagsilbing inspirasyon sa ating mga kababayan na tularan at magbayanihan.