Nakakahangga naman si Tatay Magtataho matapos niyang ilagay ang nilalakomg taho sa isang community pantry.

Nagsimula sa Maginhawa at tinularan ng mga karatid lugar at umabot na rin sa probinsya. Marami ang natuwa sa pagtutulungan ng ating mga kababayan dahil dito natin mapapatunayan na buo pa rin ang ating bayanihan.

May mga hindi man magandang pangyayari sa ilang community pantry dala nang mapang-abusong iilan hindi naman napanghinaan ng loob ang ating mga kababayan na ipagpatuloy pa rin ang magandang nasimulan.

At heto nga marami ang naiyak sa kabutihang pinakita ni tatay magtataho na hindi man sobra ang yaman ay nagagawa pa ring tumulong sa kapwa.

Sa isang Facebook post, ipinahayag ng Project Starfish ang kanilang pagtatayo ng sariling bersyon ng community pantry kung saan naglagay sila ng mga libreng taho sa isang mesa.

At dahil sa maraming natuwa, hindi na rin napigilan ng magtataho na magdagdag ng ilan pang baso ng kaniyang paninda upang makapagbigay ng kaniyang pagsuporta sa mga nag-organisa ng naturang proyekto.

“We set up a little table and a few cups of taho for anyone who haven’t had breakfast yet and hungry. While grabbing their free taho, the smile on their faces were priceless,” saad sa post ng Project Starfish.

“And because of that, few more people chipped in to add more cups on the table, even the taho vendor himself,” dagdag pa nito.

Naging inspirasyon sa karamihan ang mga larawang ito ng isang magtataho na nagdagdag ng ilang baso ng kaniyang paninda sa isang community pantry sa Brgy. Panamitan, Kawit, Cavite.

Matapos maging viral ang naturang litrato ni tatay magtataho marami ang nais siyang makilala at nagpahayag ng pagtulong dito mo makikita na hindi hadlang ang pagtulong sa kapwa.

Photo credits: Starfish Project (Facebook)