Babae na nanguha ng labis sa isang community pantry nanawagan kay Sir Raffy Tulfo.

Nanawagan sa Frontline Pilipinas ang isa sa mga babaeng nagviral dahil sa labis na pagkuha di umani sa isang community pantry sa Barangay Kapitolyo, Pasig City.

Nakiusap si Maricar Adriano, pitong buwan buntis na babae kay Raffy Tulfo na pagharapin sila ng organizer ng community pantry na si Carla Quioque, hindi di umano sila pinapansin nito.

“Nananawagan na rin ho ako kay Raffy Tulfo, baka po pwede niya kaming pag-usapin ni Carla ng personal. Kaming dalawa, para magkaharapan kaming dalawa,” anito.

“Ganun din siya samin, mag-public apologize rin siya samin. Sobra na kaming naaapektuhan lalo na ako.”

Matatandaan na sa kalagitnaan ng pagsasaya ng mga netizens sa bayanihan na nangyayari dulot ng magandang impluwensya ng Maginhawa Community pantry, kung saan naglalatag sila ng makakain, bigas, gulay, canned goods o kahit ano na makakapangtawid gutom sa ating mga kababayan na walang wala dulot ng pandemya ay biglang ginulat ang mga nasa social media ang balitang may nang-abuso sa isang community pantry at heto nga ay nakuhaan pa ng video ng isang tricycle driver.

Ayon pa sa organizer na si Carla Quique.

“Tinawag ko pa nga po sila, sabi ko nakalimutan nila ‘yung lamesa kasi wala na talaga silang tinira. Sabi lang nila, ‘Ibibigay na lang po namin ‘to sa mga kapitbahay namin.’

Sabi ko sa kanila, ‘puwede namang sila na lang pumunta rito kung kailangan din ng mga kapitbahay n’yo,'”

Dahil sa naturang viral video ay labis di umano ang stress na nararamdaman nila. Hiyang hiya na run daw sila dahil sa nga masasakit na salita na kanilang naririnig at pati mga anak at asawa ay nadadamay na.

Dinulog din nila sa barangay Kapitolyo ang tricycle driver na kumuha ng video, anila

“Sasampahan din po namin siya ng kaso kasi grabe nga ho ‘yung nangyari saming damage diba?” sabi ni Adriano.