VIRAL ang lalake matapos magtanong sa nanay kung ano ang magandang ipatattoo.

Sa henerasyon kung saan ang pagpapatattoo ay tanggap na ng lipunan bilang isang ekspresyon ng sining marami sa ating kabataan ang nahuhumaling na magpalagay nito. Tulad na lamang ni Peter Loq na viral ngayon sa social media matapos ipost ang kanyang bagong gawang tattoo hanggo sa sinabi ng kanyang ina. Sa kanilang pagcha-chat ani ni Peter “Mama ano magandang ipatattoo? Yung dagdag pogi points,” Agad naman itong sinagot ng ina “Grabe naman? Tama na anak. Ayoko na anak tama na please,” Sinong mag-aakala na literal na yun ang ipapatattoo ni Peter. Written as-is: “MA-MA / MĀMA / N. “Grabe nmn? Tama n anak ; Auq n anak tama n pls” – 2021″ Matapos magviral ang larawa nag-update muli si Peter sa reaksyon ng kanyang ina.
Update: pinagalitan na po ako ng nanay ko. Para daw akong tanga burahin ko na daw HAHAHAHAHAHA sorna ma labyu. Sino may eraser jan?
source