Hindi akalain ng Barangay Kagawad na mabibiktima rin sila ng mapanglamang sa ginawang community pantry.

Laganap ngayon ang mga community pantry kung saan naglalapag ang mga netizens sa kanilang nasasakupan ng mga pagkain tulad ng bigas, gulay, itlog, noodles at mga delata para sa mga kababayan na walang wala nang maihain sa hapag dulot ng pandemya.

Nagsimula sa Maginhawa at tinularan ng mga karatid lugar at umabot na rin sa probinsya. Marami ang natuwa sa pagtutulungan ng ating mga kababayan ngunit sa likod ng magagandang gawi may mga taong masasabi natin mapagsamantala. Maaaring dulot ng hirap ng buhay kaya nagawa tulad ng viral post ng isang netizen kung saan walang natira sa kaniyang nilapag sa mesa at napag-alaman na isang grupo ng kababaihan ang kumuha.

Hindi dito natapos ang pang-aabuso sa magandang gawi ng ilang kababayan. Isang barangay kagawad naman ang nabiktima ng mga mapagsamantala na pati ang upuan at lamesa ay kinuha. Ayon sa kanyang post

HELLOW PO HINDI PO KASAMA SA COMMUNITY PANTRY PO NATIN UNG LAMESA AT UPUAN na pinag lalagyan po natin ng mga pagkain po..😅😅 PAKIBALIK PO KASI MAMAYA MAG LALAGAY AKO NG MGA FOODS ULIT NA GALING PO SAKIN AT SA MGA NAG DONATE PO 🙏😊

Hindi niya akalain na ganun ang mangyayari matapos niyang ipost ang masayang pag-aayos ng community pantry.

Community pantry salamat sa LAHAT ng nag bigay at magbibigay pa …. Tuloy tuloy po ang pagtulong natin ..ito po ay para sa LAHAT hindi lang po sa mga taga brgy san antonio welcome mo kumuha at mag bigay ang lahat ..godbless po salamat sk Korina Zeugirdor sa tulong godbless sayo