Crew sa isang sikat na fast food chain naluha matapos sigaw sigawan ng customer.

PH – Sa panahon ngayon walang maliit o malaking trabaho, at wala ring madaling trabaho lahat ay dapat paghirapan at pagukulan ng sapat na oras.

Isa sa madalas pasukan na trabaho ay ang Fast food chain dahil na rin sa dami ng kailangang trabahador at sila rin ang madalas sumoporta sa mga nagpa-part time para sa pag-aaral o kung sa iba pang dahilan.

Sa unang tingin ay madali lamang ang kanilang trabaho pero linggit sa iba ay mahirap ang kanilang mga ginagawa mapatrabaho o pagharap sa kanilang customer.

Tulad ng kwento ng isang crew na naiyak matapos sigaw sigawan ng isang customer na nakuhaan ng isang netizen at ipinost sa Facebook na talagang nagviral at naantig ang mga netizens.

Ayon sa post:

Shoutout sa kostomer sa drive tru ng Jollibee kumintang (Batangas) na may plate number na ••• 744 di lang namen nakuha ung letter sa plate number pero may CCTV naman ung drive thru ng Jollibee, na Sinigaw-sigawan si ateng naka duty sa drive thru na walang nagawa kundi mapaiyak at mag sumbong samen.

Di nyo alam kung gaanong pagod ang ginagawa ng mga taong to sa ganitong oras at panahnon para makapagtrabaho ng maayos tas babastusin at mumurahin nyo lang. Sana malaman ung buong plate number nyo at matauhan kayo ng mahulasan kayo sa ginawa nyo. May kasama kapang babae jan sa sasakyan mo di kaman lang pinigilan.

Nahabag talaga ako kay ate 🥺.