Nanay nagbanta na ipa NBI ang naglagay ng kanyang picture sa “Jumpy Jumpy” app

Marami nga namang talagang pakulo sa social media ang patok sa mga tao lalo na yong mga tipong makakapag-bigay sa mga ito ng kaligayahan kahit sa maikling sandali lamang. Maging videos, challenge o online games o kung ano pa man, lahat ng ito ay mayroong puwang sa bawat cellphone ng mga mamamayan.

Kung sa libangan lang din naman ang usapan, ang bagong feature ng Facebook na “Jumpy Jumpy Tournament” ang patok ngayon sa mga netizens. Sa ilalim nito, ang isang player ay kailangan lamang maglaro ng isang game at subukang malagpasan ang nai-score ng isa pang player.

Imahe: Jumpy Jumpy/Facebook

Maari mo ring e-share ang iyong score sa Facebook at kung sino man ang makaka-kita nito ay pwede kang e-challenge. Makikita rin ng mga nag-ii-scroll lamang sa Facebook ang kanilang profile picture sa mga shina-share na scores bilang imbitasyon na rin upang subukan rin nilang maglaro.

Imahe: Facebook

Ang isang netizen na ito ay isa lamang sa mga naglalaro ng “Jumpy Jumpy Tournament” sa Facebook at nagbiro pa na jojowain niya daw ang sinumang nasa picture.

Ngunit, isang nanay ang naka-daan sa kanyang post at nagkumento dito na siya namang ikinatuwa ng netizens. Ayon isang nanay, huwag daw sanang idamay ang kanyang larawan sa mga kalokohang pinag-gagawa ng mga tao sa Facebook.

Dagdag pa niya, handa daw siyang ipahanap sa NBI ang nag-post kung indi aalisin ang kanyang larawan sa nasabing post. Matanda na raw siya at hindi na dapat pang isali sa mga ganitong kalokohan.

Nai-screenshot naman ng isa pang netizen na si Joy Hernandez Ariola ang kumento ni nanay at ibinahagi ito sa social media na umani naman ng napakaraming “haha” reaction sa mga netizens.

Nakakatawa man ito para sa nakakarami, sana ay magsilbi rin itong aral sa atin na ang mga mas nakakatanda ay mas nangangailangan ng pag-intindi natin lalo na kung sa teknolohiya ang pag-uusapan. Maging mapag-pasensya lamang tayo sa pagpapaintindi sa kanila at magiging maayos rin ang lahat.