Lalaki nagulat nang bigyan ng isang babae ng rubber habang pumipila sa atm kaya lakas loob na sinabing hindi kasya sa kanya

Ngayong may kinakaharap tayo na pandemya, ibayong ingat ang palaging pinapa-alala ng ating gobyerno at gayon na rin ng ating mga kababayan sa medical field. Ang pagsuot ng facemask, pag-iwas sa matataong lugar, pag-practice ng social distancing, at ang paghuhugas ng kamay ay ilan lamang sa mga paalalang dapat nating tandaan araw-araw.

Ang mga banko na isa sa pangunahing mga opisina na kailangan pa ring magbukas sa gitna ng pangamba sa sakit ay nagbibigay din ng proteksyon sa kanilang mga depositors sa kanila ring pamamaraan.

Ang imaheng ito ay para sa ilustrasyon lamang

Ngunit, ang isang netizen na ito ay tila medyo hindi nagkaintindihan sa isang staff ng banko na nauwi sa isang nakakatawang experience para sa kanya.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Jay na mula sa Legazpi, Albay, pumunta raw siya sa isang banko sa kanilang lugar upang mag-withdraw ng pera. Ngunit, pagdating pa lamang niya ay kita na niya na mahaba ang pila ng mga tao.

Kahapon habang nasa banko ako. nakita ko ang haba ng pila ng mga mag-wiwitdraw. so no choice kaya ang ginawa ko umupo muna ako. maya maya may lumapit sakin babae impleyado ng banko sabay abot ng nasa maliit na plastic, pagtingin ko napa-ngisi ako di ko alam kung tama ba iniisip ko. di ko matiis na di magsalita, so sabi ko sa babae . Miss ang liit naman nito, hindi naman sa pag mamayabang pero mukhang di ito kasya sakin di ko to magagamit. (natawa sya) sabay sabi ng ” Sir diba po magwiwitdraw kayo? ” sagot ko; opo mam.: sagot nya “bali po sir ipapasok nyo po yan sa daliri nyo pagpipindot kayo sa ATM,okay na po ba sir?”. shet HAHAHAHA
kaya ayukong ng wiwitdraw mag isa eh.

Kahapon habang nasa banko ako. nakita ko ang haba ng pila ng mga mag-wiwitdraw. so no choice kaya ang ginawa ko umupo…

Posted by Jay on Thursday, 14 May 2020

Dahil kailangan ni Jay ng pera, pinili niyang umupo muna at maghintay na lamang sa pila. Maya-maya, may lumapit sa kanya na empleyado ng banko at nagbigay ng maliit na plastic.

Pagkita niya sa binigay ng babae, napa-ngisi siya at medyo nagtataka rin kung para saan ba ang bagay na binigay sa kanya. Kaya naman, hindi na siya nag-atubili na magtanong sa babae, “Miss ang liit naman nito, hindi naman sa pag mamayabang pero mukhang di ito kasya sakin di ko to magagamit,” sambit niya.

Dito na nga at natawa ang empleyado, at sinabi kay Jay na ang ibinigay niyang maliit na bagay ay dapat isuot ni Jay sa kanyang daliri kapag pipindot na siya sa ATM. Ito pala ay proteksyon niya sa posibleng mikrobyong makuha niya sa paggamit ng ATM at hindi ang kung ano man ang iniisip niya.

Samantala, maraming netizens ang natawa sa experience na ito ni Jay at nagsabing sa susunod daw ay hindi na sila magtatanong dahil baka mapahiya rin lang kagaya ng nagyari kay Jay.