Bahay ni Miss Everything sinira ng bagyo

Si Ericka Maribojoc Camata o mas kilala sa tawag na “Miss Everything” ay unang nakilala sa kanyang mga kwelang video na patok na patok sa online world. Patok din sa marami ang medyo baluktot niyang pagsasalita ng Ingles na lengwahe na dagdag kasiyahan pa sa kanyang mga videos.

Imahe: Ericka Maribojoc Camata/Facebook

Ngunit ngayon, mayroong medyong malungkot na pangyayari sa buhay ni Miss Everything matapos masalanta ng bagyong Ambo ang kanilang lugar at masira ang kanilang bahay.

Imahe: Ericka Maribojoc Camata/Facebook

Sa mga Facebook posts ni Miss Everything, makikita ang madilim na kalangitan at ang pagbayo ng malakas na hangin sa kanilang bayan sa Calbayog, Eastern Samar. Kasama rin sa kanyang post ang larawan ng kanilang bahay kung saan makikita na natuklap ang halos kabuuan ng kanilang bubong.

Imahe: Ericka Maribojoc Camata/Facebook

Ang post ni Miss Everything at sinamahan niya ng caption na: “Our home” kasunod ang broken hearted na emoji  “We our safe, no worrying everyone” kasunod ang heart emoji.

Image may contain: plant, tree, sky, house, outdoor and nature

Ericka Maribojoc Camata/Facebook

Isa lamang ang bahay nina Miss Everything sa maraming mga kabahayan na napinsala ng Bagyong Ambo sa pagsalanta nito sa Eastern Samar. Ayon sa CNN, ang buong Eastern Samar ay napapasailalim sa Storm Signal No. 2 dahil na rin banta ng bagyong Ambo.

Sa kabila ng pangamba sa kanilang seguridad lalo na at may banta pa ng pandemic sa bansa, nananatili pa ring positibo si Miss Everything at marami naman ang nagpa-abot ng suporta sa kanya gamit ang social media