Simpleng bahay may tinatago na kakaibang ganda sa loob

Kadalasan, ang mga iba’t-ibang disenyo ng bahay na nakikita natin online ay nangangailangan ng mamahaling materyales. Lalo na ang konkreto dahil importante nga naman sa isang bahay ang tibay nito.

Pero, ang simpleng disenyo ng bahay na ito ay nagpasaya sa maraming netizens.

Imahe: Traditional Life/Facebook

Sa isang post ng Facebook page na Traditional Life, makikita ang isang bahay na ipinatatayo sa isang lugar na napapalibutan ng mga puno.

Imahe: Traditional Life/Facebook

Makikita na ang bahay ay gawa sa mga hindi masyadong mahal na mga materyales pero ang pagkakagawa nito ay napakalinis at napaka-organized.

Imahe: Traditional Life/Facebook

May pintura pang puti ang ibang bahagi ngbahay at makikita rin na ang mga bintana nito ay gawa pa sa kahoy na sa gitna ay mayroong glass.

Imahe: Traditional Life/Facebook

Kung ang loob naman ng bahay ang titignan, hindi mo aakalaing ito ang makikita mo pangbungad dahil hindi naman moderno ang disenyo ng labas nito.

Imahe: Traditional Life/Facebook

Ang loob ng bahay ay may pinturang puti at pink. Makikita rin ang maliit na kusina na mayroon namang kaunting gamit na naka-organize na sa overhead cabinet sa ibabaw ng sink.

Imahe: Traditional Life/Facebook

Mayroon ding hagdanan paakyat sa taas ng bahay kung saan pwedeng matulog ang isang tao. Ang nag-mistulang “second floor” na ito ay isang maliit na kama na napaka-komportable namang pwestuhan sa pagtulog dahil mayroong din itong maliit na bintana sa gilid para sa bentilasyon.

Imahe: Traditional Life/Facebook

Kagaya nga ng kasabihang, “do not judge a book by its cover” ang bahay na ito ay isa lang patunay na hindi talaga makikita ang kabuuan ng isang bahay kung titignan lang ito sa labas.

Gayundin, hindi din nagtatapos sa kabonggahan o kasimplehan ng isang bahay ang tunay na kahulugan nito. Ang importante ay ang makabuluhang relasyon ng bawat miyembro ng pamilyang nakatira sa loob nito.