Ex PBB housemate Karen Reyes naiyak nang aminin ang isang malaking rebelasyon sa buhay niya sa Mothers Day

Ang Pinoy Big Brother o PBB ay isang programa kung saan ang bawat housemate na may iba-ibang personalidad ay pinatitira sa iisang bahay sa loob ng 100 days. Sa panahong ito, wala silang anumang koneksyon sa outside world, walang TV, cellphone at kung anumang gadget.

Maraming mga artista na rin na nagmula sa show at sumikat na rin sa kani-kanilang karera. Isa na nga dito si Karen Reyes.

Image: Karen Reyes/Facebook

Si Karen ay sumali sa Teen Edition ng PBB noong 2012. Ngayong mothers’ day, mayroong malaking rebelasyon si Karen sa kanyang personal na buhay.

Sa pamamagitan ng kanyang vlog, inilahad ni Karen, “I’m so happy and proud na ipapakilala ko na sila sa inyo ngayon. Actually hindi ko naman itinago, it’s just gusto ko lang ng privacy for them, for us nung time na ‘yon. Ako po ay ganap ng mommy.”

Ang una niyang anak na si Olivia ay ipinanganak noong June 16, 2017. Noong July 28, 2019 naman, ipinanganak niya ang kanyang baby boy na si Lucas.

Ayon pa kay Karen, noon daw na pinagbubuntis niya si Olivia, nasa kalagitnaan siya ng produksyon ng pelikulang ‘Exs and Whys’ noong natapos daw ang pelikula ay nasa fifth month na siya ng kanyang pagbubuntis.

Inilahad din ng aktres ng noong panahong iyon, takot siyang i-judge ng mga tao gayun na din ang hindi na makapag-patuloy sa showbiz dahil baka hindi na siya tanggapin at suportahan ng mga tao.

Imahe: Karen Reyes/Youtube

Pero, matapos ang ilang taon ay sa wakas nagkaroon na siya ng sapat na lakas ng loob na ipakilala sa mundo ang mga taong nagsisilbing inspirasyon niya sa buhay. Naisipan din daw niyang ibahagi na ang kanyang kwento dahil wala ng mas sasarap pa sa feeling ng pagiging ina at pagiging proud sa iyong mga anak.

Samantala, matapos mai-upload ang kanyang video ay umulan naman ang suporta kay Karen na siya namang ikinatuwa ng aktres. Hindi niya man inaasahan ang suportang natatanggap niya ngayon, nagpapasalamat pa rin siya sa mga taong umiintindi sa kanyang sitwasyon.

Mapapanood ang buo niyang vlog dito: