Baby Zia, may pakulo para sa inang si Marian ngayong Mothers’ Day

Ang kasalang Marian Rivera at Dingdong Dantes’ ay isa na marahil sa pinakalaking union na nangyari sa lokal na showbiz industry dito sa Pilipinas. Lalo na dahil ang dalawa ay isa sa pinasikat na loveteam sa bansa.

Maraming tagahanga at tagasuporta ng dalawa ang ikinatuwa ang pag-anunsyo nila ng kanilang planong pagpapakasal at marami ang humanga sa mala-fairytale nilang kasalan noong 2015.

Imahe: Marian Rivera/Instagram

Matapos ang mahigit limang taon, ang mag-asawa ay biniyayaan ng dalawang napaka-cute na mga anak na sina Zia at Ziggy. Ngayon naman, bilang selebrasyon ng Mothers’ Day at pagpapakita na rin ng kanyang pagmamahal sa ina, si Baby Zia ay nagdamit ng dalawa sa iconic na roles ng kanyang ina, sina Darna at Dyesebel.

Imahe: Marian Rivera/Instagram

Sa instagram account ni Marian, ibinahagi niya ang mga larawan ni Zia na napaka-cute naman talaga sa kanyang mga costume. Sabi pa ng aktres sa post: “May pa early Mother’s day pakulo itong si Ate Zia! Familiar ba ang mga look?”

Imahe: Marian Rivera/Instagram

Dagdag pa ni Marian, sa dinami-dami daw ng roles na kanyang ginampanan bilang artista, ang pagiging mommy pa rin ang pinakamasarap. Kaya naman suportado niya ang anak sa kung ano man ang magiging interests nito sa future.

Imahe: Marian Rivera/Instagram

Hindi naman napigilan ng isa rin sa mga gumanap na Darna na si Angel Locsin ang magkumento sa naturang post. Sabi pa ni Angel: “Cutie! Mukhang may susunod na Darna ah!”

Maraming netizens naman ang natuwa rin sa pakulong ito ni Zia at na-impress din sila sa kanyang ka-cutan at sa pag-portray niya sa mga suot niyang costume. Hindi na nga tayo magtataka kung susunod talaga sa yapak ng kanyang ina si Baby Zia.