Kim Chiu hindi rin naintindihan ang sariling classroom analogy

Kontrobersyal at patuloy pa ring pinag-uusapan ang isyu ukol sa pagpapasara sa isa sa pinakamalaking TV Network sa bansa, ang ABS-CBN. Maraming mga artista ang kanya-kanya ring nagbigay ng opinyon ukol sa isyu.

Isa sa mga pinag-usapan ang naging pahayag ni Kim Chiu sa isang Facebook live kung saan hinalintulad niya sa classroom dynamics ang usapan ukol sa pagtigil sa pagpapalabas ng ABS-CBN sa ere.

Imahe: Kim Chiu/Instagram

Marami ang tila nalito sa mga pahayag niyang ito na naging rason naman para maging trending siya. Marami ang bumatikos sa mga pahayag niyang ito.

Sa isang tweet, sinabi ni Kim na nagulat na lamang siya dahil pagkagising niya ay trending na siya.

Imahe: Kim Chiu/Twitter

Sa isang post naman sa kanyang Instagram account, ayon sa aktres ay bugso ng damdamin lamang daw ang nangibabaw sa kanya noong panahong iyon kaya hindi na niya kontrolado ang kanyang mga nasabi lalo na at malapit sa puso niya ang kapamilya network.

Imahe: Kim Chiu/Instagram

Ayon pa sa aktres, nung binasa niya daw ang kanyang mga sinabi, maging siy mismo ay hindi rin nakaintindi dito. Hinalintulad niya rin ang confusion na nangyari sa pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN na kung e-describe pa niya ay hindi daw maintindihan.

Ayon pa kay Kim, OK lang daw sa kanya kahit ano pa man ang sabihin ng mga tao dahil ang mga pahayag niya ay mga tunay niyang saloobin sa isyung kinakaharap ngayon ng ABS-CBN.

Imahe: Kim Chiu/Instagram

Si Kim ay isa lamang sa maraming mga artistang naglabas ng kanilang saloobin sa isyung ito kasama ang iba ring malalaking pangalan sa showbiz kagaya nina Coco Martin at Judy Ann Santos.