Tindera ng bakeshop pera ang naibigay sa halip na tinapay

Ang mga bakery ay isa sa mga uri ng tindahan na palaging marami ang bumibili. Dahil na rin ito sa pagkakahilig ng maraming pinoy sa iba’t-ibang uri ng tinapay at gayun na din ang mga sustansyang dulot nito sa kalusugan.

Dahil nga sa marami ang bumibili, minsan ay nagkakamali rin ang mga tindera dito lalo na kung sa pagsusukli ang pinag-uusapan. Kagaya na lamang ng isang tinderang ito sa isang bakeshop sa Cebu na imbes na tinapay ay naka-plastic na pera ang naibigay sa kanyang mga kustomer.

Kwento ng Facebook user na si Deneieve Arrojado, bumili raw siya kasama ang kanyang ina ng tinapay sa isang bakeshop. Dahil maraming mga loaf bread ang kanilang inorder ay naisama ng tindera ang mga pera na nasa loob ng plastic sa kanilang pinamili.

Imahe: Deneieve Arrojado / Facebook

Ayon pa kay Arrojado ang kita ng bakeshop sa loob ng isang linggo na umaabot sa PHP 45,800 ang perang naisama ng tindera sa mga tinapay. Mabuti na lamang at hindi napunta sa mga masasamang loob ang pera. Kung hindi ay baka ano na ang nangyari sa tindera, baka nawalan na ito ng trabaho.

Imahe: Deneieve Arrojado / Facebook

Samantala, maraming netizens naman ang natuwa sa ginawa ni Arrojado at ng kanyang ina na ibalik ang pera sa naturang Bakery. Marami rin ang pumuri sa kanya sa pagiging honest. Labis naman ang pasasalamat ng tindera at naibalik ang pera sa kanilang Bakery.

Saludo kami sa pamilya ni Arrojado sa mabuti nilang ginawa. Tunay na kailangan natin ang magkaisa at magtulong-tulungan lalo na sa panahon ng krisis na ating kinakaharap.