Manila Bay, parang Boracay sa ganda dahil sa kulay ng tubig nito

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na ang Manila Bay ay isa ng kontaminadong baybayin dahil na rin sa polusyon at mga basurang itinatapon ng mga tao rito. Sa kabila nito, mayroon ng mga programang ipinatutupad ang pamahalaan para maibalik ito sa dati nitong ganda.

Isa na dito ang clean-up drive na inilunsad ng lungsod para mabawasan at sana sa huli ay wala ng basura sa paligid ng naturang karagatan.

Imahe: Sherly Monica Sogocio / Facebook

Mistulang nakakagulat naman para sa marami ang pag-iba ng kulay ng Manila Bay sa mga huling litratong kuha dito. Kung dati ay halos itim na ang kulay ng dagat, ngayon ay naging turquoise na ito!

Sa mga larawan na ngayon ay kumakalat sa social media, makikita na kulay asul na ang tubig sa Manila Bay at pwede pa itong mapagkamalang tubig ng Boracay sa unang tingin.

Imahe: Jenny Francisco / Facebook

Samantala, hindi naman tiyak ang sanhi ng pagbabago sa kulay ng naturang karagatan.

Ayon pa sa GMA News, maaring bunga raw ito ng mga pollutants na humalo sa tubig dagat.

Imahe: Sherly Monica Sogocio / Facebook

Mayroon din namang mga nagsasabi na baka raw bunga ito ng 30 araw na lockdown sa Manila kung saan nabawasan ang polusyon sa kapaligiran na sanhi naman ng mga factory at sasakyan.

LOOK: Water in some parts of Manila Bay turns blue-green. The Philippine Coast Guard suspects that pollutants are behind…

Posted by GMA News on Thursday, 26 March 2020

Kahit ano pa man ang tunay na sanhi ng pagbabagong ito sa Manila Bay, isa lang ang nananatiling totoo: may pwede pa tayong gawin upang mapabuti ang sitwasyon ng ating mga karagatan.

Panoorin ang videong ito kuha ni Usec. Benny Antiporda ng DENR:

At narito pa ang isang video mula sa isa nating kababayan.