Di muna singil: Grupo ng mga bobay namigay ng relief goods

Ngayong panahon ng krisis, marami ang ginagamit ang pagkakataong ito upang makapanlamang sa kapwa. Mayroong mga sobra sobra ang benta sa mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan at mayroon din naman may mabubuting puso na mas pinipili pa ring makatulong sa kapwa.

Imahe: Pilipinas Trending Viral / Facebook

Kagaya na lamang ng grupo ng mga bumbay na ito na imbes na maningil sa may mga utang sa kanila ay pinili pang mamigay ng relief goods sa Brgy. Gaya-gaya, San Jose del Monte, Bulacan.

Dito sa Pilipinas, maraming mga bumbay ang nagnenegosyo ng pautang kung saan manghihiram ng pero o bibili ng gamit ang isang tao at unti-unti niya itong babayaran sa araw-araw. Maraming Pinoy ang pumapatol dito dahil na rin sa pangangailangan at wala ring mapagkukunan.

Imahe: Pilipinas Trending Viral / Facebook

Kaya naman hindi na bago sa marami ang mga bumbay na naka-sakay sa motor at pumupunta sa mga bahay-bahay para maningil. Pero, ang isang grupong ito ay isinantabi muna ang negosyo para makapag-bigay ng tulong sa mga may pagkakautang sa kanila.

Ayon pa sa Inquirer, ang mga Bumbay na nasa larawan ay bahagi ng Punjabi Sikh Community.

Imahe: Pilipinas Trending Viral / Facebook

Ayon sa post sa Facebook ng Pilipinas Trending Viral, makikita ang grupo ng mga bumbay na namimigay ng bigas, de lata, noodles at iba pang pangangailangan ng mga tao.

Ang ginawang ito ng mga bumbay ay patunay lamang na pina-iiral muna nila ang pagiging makatao bago negosyo dahil sa krisis sa kalusugan na pinagdadaanan natin sa ngayon.

Imahe: Pilipinas Trending Viral / Facebook

Kahit hindi man sila mga pinoy sa dugo ay sigurado naman ang malasakit nila sa mga pinoy ay mula sa kanilang mga puso. Saludo kami sa inyo at nagpapasalamat kami sa malasakit niyo sa mga Pilipino.

Image may contain: 6 people, people standing

Image source: Punjabi Sikh community via Master Epong

Kapag sama-sama tayo, tiyak na malalampasan natin ang pagsubok na ito!