Tindero ng isda namigay ng libreng pang ulam sa mga ka barangay na apektado ng quarantine

Ang buong mundo ay nahaharap ngayon sa malaking krisis sa kalusugan na siya namang sumusubok sa pagkakaisa ng sambayanan. Sa kabila nito, mayroon pa ring mga bagay-bagay na nagsisilbing “ray of hope” natin sa mga negatibong balita ngayon.

Kasama na rito ang isang netizen na si Noe ‘Wiwit’ Endaya. Si Noe ay isang mobile fish vendor at isa ring kagawad sa kanilang lugar sa Gubat, Sorsogon.

Imahe: Noe Endaya / Facebook

Humingi naman ng paumanhin si Noe sa kanyang mga ka-barangay dahil kaunti lamang ang kanyang naipamahagi. Gayunpaman, gaano man kaliit ang tulong na ito ni Noe ay malaki na ang ambag nito sa pang-araw-araw na kailangan ng kanyang mga ka-barangay.

Mabilis na binigyang atensyon sa social media ang ginawang ito ni Noe na ikinatuwa naman ng marami lalo na at kailangan natin sa panahon ngayon ang mga tulad niyang may malasakit sa kanilang kapwa.

Imahe: Noe Endaya / Facebook

Dahil sa sunod-sunod na community quaratine sa iba-ibang lugar sa bansa ay maraming mga kababayan natin ang nawalan ng hanap-buhay. Kaya naman kahit sa kanyang maliit na paraan ay minabuti ni Noe na huwag munang gamitin ang binebentang isda para siya ay kumita bagkus ito ay ibibigay na lamang niya ng libre para sa kaniyang mga ka-barangay na lubos na nangangailangan ngayon ng kanilang makakain.

Ayon naman sa News Daily PH, marami ang pumuri kay Noe sa ginawa niyang ito at itinuring siyang magandang halimbawa ng isang mabuting tagapaglingkod sa bayan.

Imahe: Noe Endaya / Facebook

Nawa’y marami pang tulad ni Noe ang magbigay pag-asa sa ating mga kababayan sa mahirap na pagsubok na kinakaharap natin ngayon. Matuto sana tayong magkaisa at maging masunurin sa mga utos ng pamahalaan ng sa gayon ay malampasan natin ang matinding pagsubok na ito.