Mag-asawa piniling mamigay ng pagkain sa frontliners kahit walang kita sa palengke

Matapos mag-deklara ng lockdown sa maraming lugar dito sa Pilipinas, maraming mga negosyo ang tumigil muna sa kanilang operasyon para na rin maiwasan ang patuloy na paglaganap ng pandemic na COVID-19.

Maraming maliliit na negosyo ang apektado ng nasabing lockdown dahil karamihan sa mga ito ay umaasa lamang sa araw-araw nilang kita para pantustos rin sa mga gastusin.

Imahe: Rose Cruz-Salvador / Facebook

Pero, ang mag-asawang ito na may-ari ng isang maliit na tindahan, kahit walang kita ay pinili pa ring mamigay ng libreng pagkain para sa mga nagtatrabaho sa ospital sa Malolos.

Sa isang Facebook post ni Rose Cruz-Salvador, ibinahagi niya ang larawan ng dalawang taong sa harap ng mga food packs. Ayon kay Salvador, ang mga tao sa larawan ay kanyang nanay at tatay. Makikita rin sa naturang post ang mag-asawa na naglalagay ng pagkain sa mga disposable na tupperware.

Imahe: Rose Cruz-Salvador / Facebook

Kahit hindi man mayaman ang naturang mag-asawa ay pinili pa rin nilang tumulong lalo na ngayong panahon ng krisis sa ating bansa. Ang bawat food pack ay may laman na kanin, ulam at kubyertos.

Marami naman ang natuwa sa ginawang ito ng mag-asawa na umabot na sa 30,000 ang nag share at 32,000 naman ang nag-react sa naturang post.

Imahe: Rose Cruz-Salvador / Facebook

Saludo kami sa mag-asawang ito. Nawa’y bigyan pa kayo ng maraming biyaya ng diyos para mas marami pa kayong matulungan.

Ayon naman sa DOH, umabot na sa 462 ang kaso ng COVID-19 dito sa Pilipinas at nagbabadya pa itong tumaas kung lalong magmamatigas ang mga tao sa pagsunod sa alituntunin ng pamahalaan. Mayroon namang 18 na naka-rekober na 33 ang pumanaw na dahil pa rin sa naturang sakit.