PH15 nag share kung paano nilabanan ang COVID19 hanggang gumaling

Sa Pilipinas, umaabot na sa 380 ang kaso ng nagpositibo sa COVID-19 ayon sa DOH. Nagbabadya naman itong lalo pang tumaas kung patuloy na magmamatigas ang mga tao sa pagsunod sa mga preventive measures na ipinatutuupad ng pamahalaan.

Kaugnay naman nito, isang survivor ng naturang pandemic na kinilala lamang ng DOH sa codename na PH15 ang nagbahagi ng kanyang karanasan ukol sa nasabing sakit.

Imahe: ABS-CBN / Facebook

Ayon sa isang video na ini-upload ng ABS-CBN, si PH15 ay isang 25-taong gulang na lalaki mula sa Makati City. Ayon sa kanya, inakala niya na simpleng ubo, sipon at lagmat lamang ang mayroon siya.

Sa loob ng isang linggo ay nahihirapan siyang matulog dahil sa patuloy na pag-ubo at sipon. Pabalik-balik naman daw ang kanyang lagnat. Dahil hindi mawala-wala ang mga nararamdaman sa katawan ay minabuti niyang pumunta na sa mga espesyalista.

Imahe: ABS-CBN / Facebook

Dito na nga na itinuring siyang PUI o Person Under Investigation dahil may travel history siya na pumunta sa United Arab Emirates at hindi umabot sa 14 days any nagkaoon na siya ng mga sintomas ng pandemic.

Makaraan ang dalawang araw matapos siyang suriin ay idineklara nga siyang positibo at ang ika-15 na kaso ng naturang sakit dito sa Pilipinas.

Matapos ito ay nakaranas siya ng kalungkutan dahil ini-isolate na siya sa ibang pasyente. Bukod pa rito ay walang kamag-anak ang pwedeng dumalaw sa kanya at minsan lang din pumapasok ang mga doktor at nurse sa kanyang kwarto.

Imahe: ABS-CBN / Facebook

Sa kabila nito, naging positibo pa rin ang kanyang pananaw dahil sa mga istorya ng ibang gumaling sa ibang bansa gayundin ang pag-encourage ng kanyang mga kapamilya, kaibigan, at iba pang mga taong malapit sa kanya.

Ngayon ay na-discharge na si PH15 sa ospital matapos dalawang beses na nag negatibo sa pag-eksamin kung mayroon pa rin siyang COVID-19. Pinayuhan naman siya ng mga doktor na mag home quarantine pa rin sa loob ng 14 days.

Sa ngayon, si PH15 ay nagsisilibing inspirasyon sa mga nagpositibo sa naturang sakit na sila ay gagaling din. Nananawagan naman siya sa bawat Pilipino na sumunod na lamang sa mga panukala ng pamahalaan ng sa gayon ay maiwasan na natin ang pagkalat pa ng sakit.

Panoorin ang buo niyang kwento sa video na ito: