Construction worker naglakad ng halos 6 hours para makauwi matapos ang lockdown sa Luzon

Para maiwasan ang pagkalat ng nakakamatay na epidemic dito sa bansa ay minabuti na ng pamahalaan na mag-deklara ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Kasabay nito ang pagpapatigil sa mga pampublikong sasakyan kagaya ng bus, tren at pati na rin mga jeepney.

Isa sa mga apektado sa tigil-pasada si Mang Reynaldo. Ayon sa Facebook post ni Jah Rosales, nakita niya sa Reynaldo sa checkpoint sa Muntinlupa. Maka-ilang beses na raw na chineck ang temperatura niya ngunit umaabot pa rin ito sa 38.2 degrees.

Image: Jah Rosales / Facebook

Makalipas ang ilang sandali ay pinayagan ng maka-alis si Reynaldo kasama ang kondisyon na dapat ay uminon siya ng paracetamol para sa kanyang lagnat.

Napag-alaman naman ni Jah na si Reynaldo ay isa sa libu-libong mga manggagawa na apektado ng community quarantine sa Luzon. Si Reynaldo ay isang machine operator sa loob na ng 25 years.

Isa ang factory na kanyang pinapasukan sa nag-deklara ng tigil trabaho at nagdeklara rin na sila ay “no work, no pay” sa buong durasyon ng community quarantine.

Ang imaheng ito ay para sa ilustrasyon lamang

Kaya naman maagang gumising si Reynaldo para umuwi na lamang sa Bulacan. Ngunit, sa kasamaang palad ay wala ng biyahe ang mga pampublikong sasakyan kaya napilitan siyang maglakad simula 7:30 ng umaga at nakarating sa Muntinlupa border bandang alas 1 na ng hapon.

Dahil sa halos 6 oras na paglalakad, hindi na nakapagtataka na tumaas ang temperatura ni Reynaldo ng i-check ito ng mga awtoridad.

Ang imaheng ito ay para sa ilustrasyon lamang

Kaya naman, sinamahan na lamang ni Jah si Reynaldo sa malapit na convenience store, binilhan niya ito ng paracetamol, tubig at kaunting pagkain.

Dahil sa malayo-layo pa ang kailangang lakarin ni Reynaldo para makarating sa bus terminal sa Alabang kung saan umaasa siyang mayroon ng bumabyaheng mga bus ay tinanong siya ni Jah kung paano na lamang daw kung wala ring byahe ang mga bus doon.

Ngumiti na lamang si Reynaldo sabay sabing “Kung wala, lakad lang.”

Reynaldo’s body temperature was checked the third time and the reading never changed: 38.2 degrees Celsius. If the…

Posted by Jah Rosales on Wednesday, 18 March 2020