Kapitan sa Pampanga ready na ang bigas at alcohol para sa mga barangay niya

Sa pinakahuling proklamasyon ni pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pandemic na umaapekto dito sa Pilipinas ay isinama niya ang panawagan sa mga kapitan at opisyales ng bawat barangay.

Panawagan ng Pangulo na pakilusin ng bawat barangay ang kanilang mga tauhan gayundin ang nakalaan nilang mga pondo para sa pag-implementa ng “enhanced community quarantine” sa maraming bahagi nga bansa para na rin mabilis na makilala ang mga Persons Under Monitoring (PUM) at Persons Under Investigation (PUI) sa kani-kanilang lugar.

Imahe: Tony Mamac / Facebook

Dahil sa panawagang ito, marami ang agad na umaksyon, kasama na rito si Barangay Captain Rodelio Halili “Tony” Mamac Sr. ng Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga. Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ay ibinahagi ni Kapitan ang mga larawan ng kanilang ipamimigay na bigas at alcohol sa mga taong sakop ng kanyang barangay.

Imahe: Tony Mamac / Facebook

Ayon pa sa naturang post, ang administrasyon ng Barangay ay bumili ng umaabot sa 200 na sako ng bigas at maraming kahon ng hand sanitizers at alcohol ang libre ring ipinamigay bilang bahagi na rin ng mas pinalawak na pagsisikap ng barangay na mapalayo ang mga tao sa kinakatakutang pandemic na ito.

Imahe: Tony Mamac / Facebook

Bukod pa rito ay nauna ng namahagi si Barangay Captain Mamac at ang kanyang mga opisyales ng mga hand sanitizer at face mask sa mga manggagawa, senior citizen at iskolars ng barangay.

Imahe: Tony Mamac / Facebook

Sa kasalukuyan, ang buong Luzon ay napasa-ilalim na sa Enhanced Community Quarantine at idineklara na rin ang Public Health Emergency sa buong bansa.

Ayon pa sa GMA News ay umabot na sa 202 ang kaso ng naturang pandemic gayundin ay may dagdag rin na 3 na naitalang pumanaw na dahil rito at sa kabuuan ay nasa 17 na ang bilang ng mga namatay dahil rito.