Mga taga Bacolod kanya kanyang hatid tulong sa mga frontliners

Sa kabila ng banta ng maramihang pagkalat ng pandemic dito sa bansa, maraming lokal na pamahalaan ang kanya-kanya ng nagbibigay ng utos ng community quarantine para na rin sa kabutihan ng kanilang mga mamamayan. Isa na rito ang syudad ng Bacolod.

Imahe: TV Patrol Negros / Facebook

Para maisagawa ito, naglaan na ng checkpoint ang syudad sa mga labasan papasok rito. Ang mga police at lokal na health workers and siyang namamahala sa mga checkpoint na nagche-check sa mga ID at temperatura ng mga pumapasok sa lungsod.

Imahe: TV Patrol Negros / Facebook

Para naman tuloy-tuloy ang operasyong ito ay kinakailangang magsakripisyo ng mga pulis at healthcare worker sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng dagdag na oras. Bukod pa rito ay minsan ay nalilipasan pa sila ng gutom at maikli rin ang tulog para magserbisyo sa mga tao.

Imahe: TV Patrol Negros / Facebook

Kaya naman hindi na nag-atubili pa at nagbayanihan na ang maraming residente sa Bacolod City para sa mga frontliners. Ayonsa Facebook post ng TV Patrol Negros ay nagbahagi ang maraming residente ng mga pagkain, tubig, vitamins, at maging mga dagdag na thermal scanners sa mga frontliners.

Imahe: TV Patrol Negros / Facebook

Sadyang nakakatuwang tignan ang ganitong pangyayari lalo na at maraming mga tao ang nagtuturo pa ang nagsisi-sihan o kaya naman ay hindi sumusunod sa mga abiso ng mga pulis.

Samantala, ayon naman sa Facebook page ni Bacolod City Vice Mayor El Cid Montilla Familiaran, ay mayroong 5 na Persons Under Investigation (PUIs) sa lungsod at lahat ng mga ito ay nag-negatibo sa test na ginawa sa kanila.

Imahe: El Cid Montilla Familiaran / Facebook

Nawa’y ang Bayanihan na ginawang ito ng mga taga Bacolod ay tularan ng iba pa nating kababayan. Sa kabila ng lahat, ang laban na ating kinakaharap ngayon ay hindi natin mapupuksa kung tayo ay magka-kanya-kanya, dapat ay matuto tayng magkaisa ng sa gayon ay malampasan natin ang mahirap na pagsubok na ito.

Pilipinas, Kaya natin ito!