Mayor Vico Sotto, masyadong ginagalingan sa pagsebisyo sa bayan

Sa kalagitnaan ng kinakaharap na krisis ngayon ng ating bansa sa kabila ng banta ng pandemic na coronavirus, ipinapanawagan ng ating gobyernong national ang pagkilos ng mga lokal na pamahalaan upang mas lalong mapa-igting ang kampanya laban sa pagkalat ng pandemic na ito.

Isa sa mga aktibong gumagawa ng paraan sa kanyang lokal na siyudad ay si Mayor Vico Sotto ng Pasig City. Sa edad na 30 ay hindi inaakala ng marami na ang batang lider na tulad ni Vico ang magse-set ng example para sa mga kapwa niya lokal na lider ng mga syudad at munisipalidad.

Image: Vico Sotto / Facebook

Sa kanyang Facebook page ay nagbahagi si Mayor Vico ng ilan sa mga hakbang na ipinatutupad ng kanilang lokal na pamahalaan kontra sa virus na ito. Isa na rito ang pagpapatayo ng Sanitation Tent papasok ng City Hall, Pasig City General Hospital, at Pasig City Children’s Hospital.

Image: Vico Sotto / Facebook

Naglaan din si Mayor Vico ng service vehicle para sa mga health worker na kailangan pa ring pumasok sa trabaho sa kabila ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Image: Vico Sotto / Facebook

Naghanda na rin ang Pasig City Government ng mga purchase request para sa 400,000 food packs na plano namang ipamahagi sa bawat barangay lalo na at marami ngayon ang hindi nakakapasok sa trabaho kasunod ng quarantine. Bukod pa dito ay masaya ring ibinahagi ni Mayor Vico ang pagdating ng mga vitamins na kanilang binili sa PHILUSA sa discounted price.

Image: Vico Sotto / Facebook

Dagdag pa ng EsquireMag ay bumili na si Mayor Vico ng mga disinfectant drone na gagamitin naman sa buong siyudad ng Pasig.

PHOTO BY ANTHONY TAN

Isa pa sa pinakamagandang balita ng butihing Mayor ayon sa Buzzooks ay ang pagbigay ng buong sweldo sa mga empleyado ng kapitolyo pati na rin sa mga Job Orders at contractual workers dito.

Image: Vico Sotto / Facebook

Maraming netizen naman ang humanga sa mga effort na ito ni Mayor Vico at sinubukan rin ng mga ito na hanapin kung ano ang ginagawa ng kani-kanilang Mayor sa iba’t-ibang lugar gamit ang hashtag ng #FindingMayor.

Sana nga ay marami pang lokal na opisyales ang gumaya sa mga ginagawa ni Mayor Vico ng sa gayon ay malabanan natin ang banta ng pandemic na ito.